Search
  • Paul Lamsen

Bebot na 'online tulak', huli


ISANG menor-de-edad na babae ang nadakip sa buy-bust operation kamakalawa nang hapon sa Bgy. Pobla­cion Sur, Sta. Barbara, Pan­gasinan.

Kinilala ang suspek sa alyas na Marieta, isang da­yu­han at tubong Taguig City.

Ayon sa imbestigasyon, high-tech na umano ang tran­saksiyon ng suspek at mga parukyano nito dahil sa messenger na nag-uusap at may kasama pang larawan bago mag-deliver ito.

Nabuking ang iligal na gawain at nahuli ang suspek nang magsumbong ang mga kasamahan nito at ang mga paruk­yano na nahuli ng mga pulis sa buy-bust operation.

Kasalukuyan pang naka­detine sa DSWD ang suspek at nabatid na kaya umano nagawa ng suspek ang pag­bebenta ng marijuana ay upang makatulong sa kan­yang mga magulang sa gas­tusin sa kanyang nag-aaral na kapatd.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.