Search
  • BULGAR

Alok na scholarship, pabahay at trabaho sa rebelde, hindi raw suhol

SCHOLARSHIP, pabahay, trabaho at iba: Ito ang alok ng gobyerno sa mga susukong miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kasunod nito, marami ang nagkomento, “buti pa sila’.

Buti pa sila, makapag-aaral nang hindi na kailangang igapang ng mga magulang.

Buti pa sila, magkakaroon ng maayos na masisilungan, hindi na kailangang mangupahan o matulog sa lansangan.

Buti pa sila, trabaho na ang lumalapit, hindi na kailangang makipagsapalaran.

Buti pa ang mga rebelde.

Gayunman, agad nilinaw ng Malacañang na hindi suhol ang tinatawag na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) o tulong sa mga susukong NPA.

Ito raw ay pamamaraan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte para makamit ang kapayapaan sa buong bansa.

Sino ba ang ayaw ng kapayapaan?

Pero, sino rin ba ang ayaw ng kaginhawahan para sa lahat?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.