3 yrs. old nabagsakan ng puno, dedo

ISANG tatlong taong gulang na babae ang nasawi matapos mabagsakan ng puno ng niyog sa Sitio Falbang, Sapu Masla, Malapatan, Sarangani.
Nasugatan din ang ina nito na si Seta Tayal, 40, at 13-anyos na kapatid na si Jessie.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente, pasado alas-10:00 ng gabi ng Linggo habang natutulog ang mga biktima sa kanilang kubo.
Nasa gitna umano ang paslit kaya ito ang napuruhan at saktong tinamaan ng natumbang puno ang kanilang kubo na dahilan ng kanyang pagkakaipit at kalaunan ay binawian din ng buhay.
Sinasabing nasa isang dipa lamang ang layo ng nasabing puno sa kubo.
Inaalam naman ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkakabuwal ng puno dahil hindi naman umano malakas ang hangin at wala ring ulan nang mangyari ang insidente.





Comments