- BULGAR
VAT, 'pag sinuspinde, P-Duterte, biglang gagandang lalaki
KA AMBO / BISTADO
IPINASUSUSPINDE ni Gov. Imee ang VAT.
Malaki ang tama ng anak ni Makoy!
◘◘◘
KAPAG inalis ang VAT, awtomatikong bababa ang presyo ng mga bilihin.
Solved agad ang inflation!
◘◘◘
BABABA ang presyo ng petrolyo, singil sa tubig at singil sa elektrisidad.
Masaya ang Pasko ng mga Pinoy!
◘◘◘
INIREREKOMENDA rin ni Marcos na paigtingin ang tax collection.
Kailangan singilin ang mga tax evader tulad sa malalaking korporasyon.
◘◘◘
DAPAT, higpitan ang koleksiyon sa Bureau of Customs.
Bilyong piso ang nawawala sa Adwana.
Kapag nasingil ang mga ismagler, sobra-sobra pa ‘yan!
◘◘◘
HINDI sapat na isuspinde ang TRAIN Tax na nakatakda next year.
Next year pa ‘yan, pero kapag sinibak ang VAT, ngayon pa lamang ay mabibiyayaan na ang taumbayan.
◘◘◘
AYON kay Gov. Imee, ang Ilocanos ay dumaraing sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Siyempre, ‘yan ang reklamo ng iba pang Pinoy sa buong bansa.
Sana, pakinggan ng Malacañang ang kahilingang ito.
◘◘◘
PUWEDENG subukan ng Malacañang na isuspinde ang VAT kahit one year muna.
Tiyak na biglang gagandang lalaki si P-Digong.
◘◘◘
ISIPIN mong isang “lagda” lang ni P-Digong na tanggalin ang VAT, solved agad ang problema.
Lahat ay papalakpak!
◘◘◘
WALANG ibang solusyon para mapababa ang presyo ng mga bilihin.
Ito ay ang pagtatanggal sa VAT.
Enjoy ang lahat kapag walang buwis ang binibiling pagkain at produkto.
Mahirap bang i-memorize ‘yan?