- BULGAR
ST. CLARE AT ENDERUN NA ANG SASABAK SA NAASCU FINAL

ANG defending champion Saint Clare College of Caloocan at ang nakakagulat na Enderun Colleges ang maglalaro para sa kampeonato ng 18th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) handog ng Bitcoin Cash matapos nilang walisin ang kanilang mga hiwalay na serye sa semifinals noong Sabado sa Rizal Technological University. Pinabagsak muli ng Saint Clare ang New Era University, 78-62, habang umulit ang Enderun sa De Ocampo Memorial College, 92-86.
Uminit agad si Junjie Hallare at gumawa ng 11 puntos upang umarangkada ang Saint Clare,13-4. Tuluyang pinalaki nila ng Saints ang kanilang lamang ng 28 puntos bago matapos ang ikatlong quarter, 60-32, salamat sa dalawang magkasunod na tres ni Rojay Santos.
Tinapos ni Santos ang laro na may pitong tres para sa 21 puntos. Sumunod sa kanya si Hallare na nagdagdag ng apat na puntos para sa kabuuang 15 puntos at walong rebound.
Sa kabilang serye, nagpakitang husay muli si Valandre Chauca sa pamamagitan ng kanyang pitong tres upang itulak ang Enderun sa 68-52 na kalamangan. Biglang lumamig ang laro ni Chauca sa huling quarter at ito ang naging pagkakataon ng Cobras upang bumawi at agawin ang kalamangan palapit ng huling dalawang minuto, 84-83. (A. Servinio)