top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Seminar para sa mga nakakalimot sa batas-trapiko, umarangkada

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2018
1 min read

KUNG alam at sinusunod nang lahat ang batas, tiyak maiibsan ang problema sa malalang trapik.

Ito ang isa sa mga layunin ng PUV Drivers Academy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang ire-educate ang mga driver.

Sa nasabing programa na kabahagi ang Department of Trans­portation (DOTr), mababalikat ng mga driver ang basic road safety, driving courtesy at pagsunod sa traffic rules and regulations.

Bagama’t, isang araw na seminar lamang ito na pinangungunahan ng mga instructor at resource person mula sa LTFRB, masasabing may maidudulot itong mabuti sa lahat.

Mababawasan ang mga pasaway sa kalsada.

Maiiwasan ang korupsiyon dahil kung alam mo ang batas at hindi mo ito nilalabag, walang dahilan para hindi mo maipagtanggol ang iyong sarili mula sa mga awtoridad na mapagsamantala.

Higit sa lahat, mababawasan ang aksidente, walang mapapahamak, walang maaabala at walang gulo.

Kaya sa mga medyo nakalilimot na sa batas-trapiko, walang masama kung maglaan ng oras sa nasabing seminar.

Hindi lang ito para sa kapwa natin motorista kundi para sa ating sarili at sa buhay ng mga pasaherong ipinagkatiwala sa atin habang nasa biyahe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page