Search
  • BULGAR

Pulis na natutulog | I-REPORT N’YO — PNP CHIEF


HINIKAYAT ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Director Ge­neral Oscar Albayalde ang publiko na i-report ang sinu­mang mahuhuling pulis na natutulog habang naka-duty. Aniya, kunin lamang ang pangalan at ipagbigay-alam kaagad ito sa kanilang opi­sina.

Matatandaang, nahuli ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang hindi bababa sa 14 na pulis na natutulog sa loob ng kanilang patrol vehicles sa gitna ng duty sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.

Dagdag pa ni PNP-IAS Insp. Gen. Alfegar Triam­bulo na patuloy silang na­katatanggap ng ulat mula sa mga sibilyan hinggil dito. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.