Search
  • BULGAR

Para sa mga conscious sa amoy, read n‘yo ‘to, dali! PAGPAPABANGO, BAD SA HEALTH!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

SPRAY dito, spray doon, hindi ka ba ma­pakali sa amoy mo, lodi, kaya halos iba’t ibang pa­bango na ang gamit mo, everyday? Naku, ma­sama ‘yan dahil ayon sa mga da­lub­hasa, ang madalas na pag­papabango ay may masamang epek­­­to sa ating ka­lusugan. Tsk!

Alam naman nating may mga taong allergic talaga sa pabango kung saan kahit isang spray lang ang gawin nila ay nagkakaroon na sila ng rashes.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, bukod sa allergies, nakasasama rin daw ang pagpapabango sa hormone ng tao kung saan ayon sa pag-aaral ng Campaign for Safe Cosmetics, natuklasan nila na ang karamihan sa mga pabango ay may­roong kemikal na hindi maganda para sa ating hormones.

At kapag ang isang tao ay nagkaroon ng hormonal imbalance, maaaring magkaroon din siya ng anxiety, dep­ression at mood swings.

Kaya ayon sa mga da­lubhasa, maaaring ito rin ang dahilan kung bakit may mga babaeng nag­kakaroon ng poly­cystic ovarian syndrome o PCOS dahil sa hindi normal ang kanilang hormones.

Dagdag pa rito, ma­ging sa kalikasan ay may naidudulot itong panganib, kaya mainam kung ang mga ginaga­mit na pabango ay or­ganic o kaya ay cruelty free.

Samantala, ang pa­alala ng mga siyentipi­ko, wala namang masa­ma kung magpapaba­ngo tayo basta make sure na hindi ito maso­sob­rahan, okie?

Kaya naman sa mga beshy nating dehins ka­yang mabuhay ng wa­lang pabango, mag-isip-isip kayo, we never know baka ‘yan na pala ang dahilan para mag­kasa­kit tayo. Gets mo?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.