top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pananakit ng ilang guro sa mga estudyante sa iba’t ibang panig ng bansa, nakababahala!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2018
2 min read

ANG sabi ng iba, sila raw ang magbaban­tay at poprotekta sa mga estudyante tuwing sila ay nasa eskuwelahan pero, paano kung mismong guro ang makapagbibigay ng trau­ma, ma­nanakit at magmumura sa mga mag-aaral?

Sino na lang ang magtatanggol sa mga batang ang nais lang naman ay matuto kaya nagsisikap sa pag-aaral?

Gayunman, nagalit ang ilang netizens matapos nilang mapanood ang nag-viral na video sa social media, mapanonood dito na huli sa akto ang isang guro na pinagsasalitaan ng masasakit, minumura at binabatukan ang mga estudyanteng boy scouts ng Cutog Ele­mentary School sa Isabela.

Sinasabing ang guro umano ay limang buwang buntis at kaya ito nagalit sa mga bata ay dahil sa pagkawala ng ilang boy scouts sa loob ng tent kung saan isinasagawa ang ka­nilang camping activity, gayunman, sana ay iba na lang ang pinagbantay sa mga mag-aaral dahil maaaring sensitibo ang pagbubuntis ng nasabing guro.

Gayunman, nakatanggap na umano ang Department of Education (DepEd) ng report na naghain na ng leave of absence ang guro at inilipat muna ito sa ibang paaralan habang iniimbestigahan pa ang nangyari.

Samantala, kahit nalamang buntis ang guro, naninindigan pa rin ang mga magulang na sampahan ito ng kaso matapos niyang makapagbigay ng takot at trauma sa mga bata kung saan ayaw na ng mga itong puma­sok sa eskuwelahan.

Matatandaang, hindi na ito bago, pero ha­los paulit-ulit lang ang nagiging senaryo.

Kaya hiling natin sa gobyerno, sana ay mag-isip at gumawa na ng solusyon upang matuldukan na ang iba’t ibang klase ng pang-aabuso rito sa ating bansa, hindi lang sa pagi­tan ng ilang guro at estudyante kundi maging sa iba pa.

Gayundin, sana ay maimbestigahan ng maayos ang nangyari at makapagbigay ito ng aral sa karamihan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page