Search
  • Paul Lamsen

Nayamot sa tagal na kumakatok | TIYUHIN SINUNTOK, DEDBOL

NASAWI habang gina­gamot sa ospital ang isang lalaki makaraang suntukin ng kanyang pamangkin, ka­makalawa nang gabi sa Si­nait, Ilocos Sur.

Nakilala ang biktima na si Timoteo Ravis, habang ang suspek ay si Edgar Ravis, kapwa naninirahan sa na­banggit na lugar.

Ayon sa ulat, nagpunta ang suspek sa bahay ng bik­tima subalit, sa tagal umano nitong kumakatok sa pin­tuan ay nayamot ito. Pagbukas ng pintuan ng biktima na nasa kasarapan pala ng tulog ay nagalit ang suspek.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito kung saan na­pikon ang suspek at sinun­tok nito ang tiyuhin na sanhi ng pag­kabagok sa sahig.

Napag-alaman na lasing umano ang suspek kaya na­gawa niya ito sa tiyuhin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.