Nasilaw sa sasakyan, kaanak kinatay
ISANG tricycle driver ang pinagbabaril matapos masilaw sa ilaw ng kanyang sasakyan sa Bgy. Anilao, Lipa City, Batangas.
Pasado alas-10:00 ng gabi, sakay ng kanyang tricycle ang biktimang si Leuvino Sambayan, 43, kasama ang kaibigan nito.
Pagtapat sa tindahan, eksaktong naroroon ang kamag-anak nitong suspek na si alyas Jojo at isa pang hindi nakikilalang lalaki kung saan bumibili sila ng beer.
Nasilaw umano ang mga suspek at agad siyang kinompronta ng mga ito hanggang sa agad bumunot ng baril ang dalawa at makailang ulit na binaril ang biktima bago nagsitakas.
Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments