Search
  • BULGAR

DND sa mga rebelde | UMUWI SA PAMILYA NGAYONG PASKO

MATAPOS himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magbaba ng armas at mag­balik-loob sa gobyerno, hi­nimok din ng isang opisyal ng Department of National Defense (DND) ang mga rebelde na umuwi ngayong Pasko.

Sinabi ni Defense Under­secretary Reynaldo Mapagu na siyang chairperson ng Task Force Balik-Loob (TFBL) na sana ay tanggapin ng mga miyembro ng NPA ang offer ng gobyerno na trabaho at pabahay para sa kanila, ito aniya ay upang makasama nila ang kanilang mga pamilya.

Gayundin, paliwanag ng opisyal, ang ayudang ibibi­gay sa kanila ng pamahalaan ay ibinatay sa kani-kanilang mga pangangailangan.

Kaya hinimok pa nito ang mga dating rebelde na maging kaisa ng pamahalaan sa pagtamasa ng progreso at kapayapaan sa buong bansa upang maging “peaceful members” ng komunidad. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.