- BULGAR
DAHIL SA DURA, LAKERS AT ROCKETS, NAGSUNTUKAN!

UMABOT sa suntukan, dahil inakusahan ng Houston Rockets players si Los Angeles Lakers Rajon Rondo na dinuraan si Chris Paul kaya naman doon nagsimula ang gulo sa pagitan ng laro ng dalawang team kahapon sa NBA Game kung saan ay pinagwagian ng Rockets, 124-115.
Nagkagulo sa laro na isa pa namang home debut ni LeBron James sa Los Angeles Lakers.
Isa nga sa naging dahilan ng gulo, ayon sa Rockets players ay nandura si Rondo kay Paul naging dahilan para sumugod sa panununtok si Brandon Ingram at sinundan ng iba pang suntukan sa last quarter ng laro.
Lahat naman ng video ay nirebyu, pero wala sa insidente na nakitang nandura ang Lakers point guard, pero ipinipilit ng Rockets na may nangyaring pandudura.
“It was some heated stuff. I’m sure some spit was thrown,” ani Rockets head coach Mike D’Antoni. “You cross a line, it happens. The NBA will sort it out, and they’ll do a good job at it.”
Nagsilbing taga-awat pa si Carmelo Anthony, ang bagong Rockets wing sa away at aniya hinggil sa pandudura, “It was bulls***. Plain and simple. Unacceptable,” sabi ni Anthony sa postgame. “We all know what happened. Ain’t no need to keep going back and forth about that. What happened was unacceptable. It shouldn’t have happened. And what happened out there happened.”
Ayon sa ESPN, ipinagtanggol ng Lakers na nasa likod ni Rondo at sinabing hindi ito nandura kay Paul.
Iimbestigahan pa ang naturang gulo ngayong gabi at magpapataw ng suspensiyon sa Linggo. Sa iba pang laban, nagwagi ang Nuggets sa Suns, 119-91; nanalo ang Hornets sa Heat, 113-112; nanaig ang Pistons sa Bulls, 118-116; wagi ang Celtics sa Knicks, 103-101. (MC)