Search
  • BULGAR

3,300 pulis ipakakalat sa undas

MAGPAPAKALAT ng nasa 3,300 mga pulis ang National Capital Re­gion Police Office (NC­RPO) para sa darating na Undas.

Ayon kay NCRPO chief, Director Guillermo Elea­zar, ito ay batay sa datos mula sa mga hepe ng iba’t ibang dis­trito sa Metro Manila.

Gayunman, bukod sa na­turang bilang, tiniyak ni Eleazar na mayroon pa ring mga naka-standby na pulis sa iba’t ibang mga himpilan na handang tu­mulong sa pagpapanatili ng katiwa­sa­yan sa Undas sa susunod na Linggo.

Aniya, sa kabuuan, may­roong 5,000 person­nel, ka­bi­lang ang mga pu­lis, kawani ng barangay at mga civil volunteer or­ganization ang nakaanta­bay para sa Undas.

Dagdag pa nito na sa su­sunod na Linggo ay si­si­mulan na nila ang ko­ordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga pamunuan ng semen­teryo.

Hindi umano ito na­nga­­ngahulugang mapa­ba­baya­an na ng mga pulis ang pag­titiyak sa seguri­dad ng pub­liko, maging ang pagsasa­gawa ng anti-criminality operations.

Gayundin, mahigpit aniya nilang babantayan ang mga terminal ng bus, mga pantalan, istasyon ng tren, pati na rin ang Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NA­IA) na inaaasahang darag­sain ng mga uuwi para sa Undas. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.