Search
  • BULGAR

Teleserye Theme Song Queen, sapaw! ANGELINE, NAETSAPUWERA SA DOS DAHIL KAY REGINE

Ador Saluta / ADORE ME!

MALAPIT na ang Christmas season kaya’t binu­buo na ng Kapamilya Network ang kanilang Christmas Station ID for 2018.

At bilang pinakabagong Kapamilya kung saan pumirma na nga ng 2-year exclusive contract ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, wala pa mang sinasabi sa kanya ang mga bossing ng istasyon ay inunahan na ito ni Regine.

Sey nito, “Eh, siyempre, kasali ako ru’n! Excited ako. Actually, hindi pa nila alam, ako lang nagsabi!” sabay tawa nito.

Ang kinumpirma ni Regine ay siya ang kakanta ng theme song ng bagong serye ni Angel Locsin which is The General’s Daughter, habang si Ogie Alcasid naman daw ang sumulat ng kanta.

Pero, ‘di naman ito ang first time na kumanta ang Songbird para sa serye ng network.

Noong 2011, siya rin ang ku­manta ng Sino Ako na theme song ng My Binondo Girl ni Kim Chiu. Pero, ‘di raw kasi allowed noon na sabihing siya ang kumanta.

Kuwento niya, “Kasi pinag­lilihian ko si Kim Chiu. Hindi nga, tuwang-tuwa ako kay Kim Chiu. Ang cute-cute ni Kim Chiu.

“Tapos, chinita din siya, pa­rang magkahawig din sila ni Nate (anak nila ni Ogie)!

“Sabi ko, ‘Puwede ko bang kantahin ‘yung theme ng Bi­non­do Girl? Buntis ako noon, eh, noong ini-record ko, kasi nga pinaglilihian ko.”

Dagdag niya, “Pero ito [The General’s Daughter], official na. Exciting, kasi si Angel! Love ko si Angel!”

Sa pagdating ni Regine sa Kapamilya, hindi kaya maapektuhan ang career ni Angeline Quinto na alam naman nating Teleserye Theme Song Queen?

Well, after the Kapamilya grand welcome-presscon for Regine last October 17, lumipad ito kinabukasan for Sydney, Australia for the A.S.A.P. concert na gina­nap kahapon (October 20).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.