- Levi Gonzales
Tanod na tulak tigok sa pulis
DEDBOL ang isang dating tanod makaraang makipagbarilan sa tropa ng pulisya sa Bgy. Dos, Calamba City, Laguna.
Alas-12:20 ng hatinggabi nang ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek na si Oscar Sarip, residente sa naturang lugar.
Ipinain nila ang P500 marked money upang makabili ng hinihinalang shabu kung saan kumagat ito hanggang sa makatunog siyang police asset ang kanyang pinagbilhan.
Agad umano itong bumunot ng baril saka ipinutok sa kanila kaya gumanti ang awtoridad na ikinasawi ni Sarip. Narekober sa crime scene ang ilang pakete ng sinasabing shabu, baril at marked money.