- BULGAR
SON ALSO RISES

MAGANDA ang banatan ngayong araw sa Metro Turf may mga premyo ang bawat race kaya siguradong umaatikabong bakbakan ang mapapanood,
Anybody’s race sa 2018 Philracom “4th Leg Local 4-year-old & Above Stakes Race” na ilalarga sa Race 5 dahil naghanda naman ang lahat ng kalahok pero ang pili ko rito ay ang kabayong Son Also Rises, (4) na rerendahan ni star jockey Jonathan Hernandez panegundo si Pangalusian Island, (3).
Sa unang race lamang dito si Kissing Bandit, (8) isama n’yo sa timbangan si BeastMode, (1) baka maghuramentado sa likuran makita sa kamera pagtawid ng meta.
Puwedeng suminggel kay L Shuttle, (6) sa Race 2 habang si Boy Paradise, (6) ang pili natin sa Race 3, isama na rin natin sina Momentum, (7) at Tontoneeto, (3).
Tatlo napipisil ko sa Race 4, medyo mahirap na karera ito, sina Baby Galore, (7), Jersy Jewel, (9) at dehadong Cannon Ball, (1). Talon tayo sa Race 6, sina Chrism, (10), coupled entry na Misikera, (5) at More Stripes, (5A) at Hello Junior ang pinagpipilian ko rito.
Sina Musikal Note, (3), Rosario Princess, (1) at Azarenka ang mga kursunada ko rito sa Race 7.
Kina Sin Duda, (3) at Marinong Tanglaw, (5) naman ako lalagay sa Race 8.
Matibay sa primera si Gee’s Prize, (4) sa Race 9, pero sa Race 10 ay lalagay ako kina Persian Princess, (7), Sharp Return, (5) at Mika’s Jewel, (1).
Kukunin natin sa penultimate race (11) ang entry na si Yes All Wee Bet pang FC ko si Laughing Tiger, (3) at sa Race 12 ay si Helushka, (2) ang tatayaan ko, puwedeng isama sina Prince Uno, (9) at Bwana Miss, (5).