- BULGAR
Sey ng experts...luya, epektib panlaban sa muscle pain!
Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

MASAKIT ang katawan dahil sa pagod sa eskuwela at opisina? Don’t worry, lodi, dahil alam ba ninyong ang luya na nakagagaling sa problema sa lalamunan ay epektib ding panlaban sa muscle pain?
Hindi masarap at maanghang, ganito ang kadalasang sinasabi ng karamihan sa tuwing nakakakain sila ng luya, kaya naman kapag nakakakita ng ganito sa mga putahe tulad ng lugaw ay inaalis talaga.
Gayunman, ayon sa mga eksperto, maganda sa kalusugan ang pagkain ng luya dahil ito ay nakagagaling ng morning sickness kung saan nagsagawa ang mga researcher ng eksperimento kasama ang 1,278 buntis upang malaman kung totoong nakatatanggal ito ng pakiramdam ng pagkakasakit sa umaga na agad namang napatunayan sa pag-aaral.
Maliban dito, kung ang kasu-kasuan ninyo ay kumikirot at halos maiyak na kayo sa sakit, sagot din diyan ang luya, besh, dahil keri itong maging pain reliever dahil sa taglay nitong anti-inflammatory properties, kaya naman mainam ito sa pananakit ng joints at pagkakaroon ng dysmenorrhea.
Dagdag pa rito, nakabababa ng sugar level ang luya at nakai-improve ito sa panganib ng pagkakaroon ng heart disease.
At kung may dyspepsia naman, kaya rin nitong pakalmahin ang inyong tiyan.
Oh, ‘di ba, bongga? Mura na helpful pa, kaya naman don’t hesitate to try this, beshy, para hindi ka magsisi sa huli!
Copy? Hi-hi-hi!