- Clyde Mariano
PINOY MONDILLA, KAMPEON, TINALO ANG MACEDONIAN SA ICTSI GOLF

NAGING makabuluhan ang apat na araw na paglalaro sa Luisita ni Clyde Mondilla nang pagwagian ang P750,000 na tagumpay sa ICTSI Invitational Golf na tinampukan ng 93 golfers galing sa 12 mga bansa.
Lumikom ang 23-anyos na tubong Cagayan de Oro City na unang naglaro sa National Team sa SEA Games, Pu
ra Cup at Nomura Cup 18-under-par 270 kasama ang final round 67 na pinalakas ng pitong birdies. “Para akong tumama sa lotto. Maagang Pamasko ito sa akin,” masayang sinabi ni Mondilla matapos sungkitin ang una niyang panalo sa 15 appearances sa taong ito. Tinalo ni Mondilla sina Peter Stojanovski at ang taga-Davao na si Jay Bayron sa final round sa come-from-behind fashion na nilaro sa par 72 course. Lamang si Stojanovski sa last round. Subalit hindi nakayanan ng taga-Macedonia (dating sakop ng Yugoslavia) ang matinding pressure at kusang bumigay sa huli at mapait na binigay ang kampeonato sa Pinoy.
“I really want to win but I couldn’t handle the pressure. It’s quite frustrating to see things fall apart when the game was on the line. May be the tournament was not meant for me,” malungkot na sabi ni Stojanovski na isinilang sa Sydney, Australia.
Tumapos si Stojanovski ng 272 kasosyo ang kababayang taga-Sydney na si Tim Stewart na pumalo sa final best round 65. Si Bayron ay nanguna sa 2nd round na tumapos ng 273 kasama ang final round 70 kasunod si Arnold Villavicencio ng 278.