Search
  • Gina Pleñago

Nagpanggap ng pulis | MMDA ENFORCER NANGIKIL, HULI

SA isinagawang entrap­ment operation ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) huli ang isang traffic enfor­cer makaraang tangkaing mangikil sa dalawang bik­tima sa Pasay City kahapon nang umaga.

Nasa kustodiya ng Coun­ter Intelligence Task Force ng Philippine National Police ang suspek na si Emi­lio Guinto, MMDA traffic enforcer.

Ayon sa ulat, nahuli ng mga tauhan ng CITF ang suspek, alas-9:00 ng umaga matapos nitong tanggapin ang P5,000 marked money sa dalawang biktima, sa iki­nasang entrapment opera­tion sa EDSA Malibay.

Nag-ugat ang operas­yon nang maghain ng rekla­mo sa CITF ang mga bikti­mang sina Herbert Nativi­dad at Van Lester Dimanlig.

Hinuli ng traffic enforcer na nagpakilala pa umanong pulis ang service van na mi­namaneho ni Dimanlig dahil colorum ito at kalaunan ay hiniritan ng P5,000 kapalit ng hindi paghuli at hindi mai-impound ang naturang sasakyan.

Dahil walang maibigay na pera, kinuha umano ng suspek ang contact number ng team leader ni Dimanlig na si Natividad.

Biyernes nang inulan ng tawag si Natividad mula sa suspek at nag-demand uma­no ng pera subalit, sinabing kinabukasan na lamang ma­ibibigay.

Hindi akalain ng suspek na humingi ng tulong ang dalawang biktima sa CITF para sa entrapment opera­tion laban kay Guinto na da­hilan ng pagkakadakip nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.