Search
  • Jeff Tumbado

Expert sa paggawa ng bomba | ISIS TODAS SA MILF


NAPASLANG sa nang­­yaring engkuwentro ang isang miyembro ng ISIS ins­pired terror group na Bang­samoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Bgy. Pim­balakan, Ma­masapano, Maguinda­nao.

Nakilala ang napas­lang na terorista na si Sau­di Sa­bang, na isa ring iti­nuturing na eksperto sa paggawa ng bomba.

Bukod kay Sabang, na­sugatan din sa nang­yaring sagupaan ang da­lawa pang kasamahan nito na sina Ak­tab Musib at Kadun Sanuy.

Ayon kay 6th Infantry Division-Philippine Army Spokesman Captain Ar­vin Encinas, ang grupo mula sa Bangsamoro Is­lamic Armed Forces na itinatag ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nakaengku­wentro at nakapatay kay Sabang.

Sa nakuhang impor­masyon, nilusob umano ng grupo ni Sabang ang MILF guerillas nang ru­mesponde ang huli sa umano’y pagtiti­pon ng mga armadong gru­po na may dala-dalang itim na watawat ng ISIS.

Nagtagal umano ng anim na oras ang nasa­bing sagu­paan sa bahagi ng Sitio Ma­kalag, sa na­sabing lugar bago umat­ras ang mga terorista.

Sinasabi sa ulat na si Sa­bang ay sinanay uma­no ng nasawing Malay­sian terro­rist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan sa pag­gawa ng iba’t ibang uri ng bomba.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.