Search
  • Green Lantern / MC

BLUE BLADE/ RJM SUPER BIG EVENT NGAYON SA GALLERA DE MANDAUE


ANG pinakaprestihiyosong labanan ng mga stags o mga batang manok-panabong sa Cebu ay papagitna ngayong Linggo, Okt. 21 sa Gallera de Mandaue sa Mandaue City sa paglalatag ng pinakahihintay na Blue Blade / RJM Super Big Event 7-Stag Derby simula 11 a.m. tampok ang 123 sultada sa pagitan ng 35 matitibay na entries.

Handog ng dalawang naghaharing World Pitmasters Cup co-champions Engr. Sonny Lagon at ang matalik niyang kaibigan na si RJ Mea ng lalawigan ng Quezon, ang dalawa ay dadalhin ang mga pinakasikat at pinakamahuhusay na mga mananabong at mga gamefowl breeders mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa papunta sa isla ng Cebu para sa isang makasaysayang labanan ng mga pinakamagagaling na bagong linyada ng mga tinale sa Pilipinas. Ang labanan na ito ay may entry fee na P220,000 at minimum bet na P55,000.

Magtutuos sa ibabaw ng ruweda sina Atong Ang, Gerry Ramos, Eddie Bong Plaza, Arjay Mea, Eric dela Rosa, Engr. Femy Medina, Ambin Amante, Anthony Lim, Edwin Tose, Goto/ Aldo, Danny-Bulldog, Ricky Magtuto, Barry Crisos­tomo, Peter Unabia, Engr. Jun Se­villa, Hal­con Talavera, Bong Pineda, Atty. Edgar Santos, Ramon Manzenares, Bobby Go, Robert Yu/ Elwin Javelosa, Yap, Atty. Arcal Astorga, Dori Du, Claude Bautista, Larry Rubinos, Jun Bacolod, Procy Terrei, Jun Roble/Dante Islabon, Cano Daniel, Rey Cañedo at Jayson Garces.

Ang mga bibitawan ay mga manok na wingbanded ng Federation of International Gamefowl Breders Associations (FIGBA) para sa 2018 Bakbakan o ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan), Inc. (PFGB-Dig­maan) para sa 2018 Digmaan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.