- Pabs Hernandez III
Bata nalunod sa irigasyon
SOUTH COTABATO—Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa irigasyon sa Bgy. M. Roxas, Sto. Niño sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Jay Repoponio, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na naliligo umano si Repoponio nang magawi ito sa malalim na bahagi ng irigasyon kaya ito nalunod.
Agad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa irigasyon ang biktima.
0 comments