• Pabs Hernandez III

Wanted na tulak timbog

SOUTH COTABATO—Isang wanted na drug pusher ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Dajay, Surallah sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Lester Carreon, residente ng Bgy. Topland, Koronadal City.

Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Carreon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na nakumpiskahan si Carreon ng apat na sachet ng shabu nang arestuhin ito ng mga awtoridad sa nasabing lugar

0 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.