Sey ng experts... MGA LALAKING MALILIIT, MAS MABILIS NA NAGAGALIT!
- BULGAR

- Oct 20, 2018
- 1 min read

IKAW ba ay small but terrible? Naku, alam ba ninyong ang mga taong maliliit umano ay mas mabilis kung magalit? Hala!
Nagsagawa ang mga eksperto mula sa Center for Disease Control sa Atlanta, Georgia ng exam kasama ang 600 kalalakihan na may edad na 18 hanggang 50.
Lumabas sa pag-aaral na 75% sa kanila ay naaapektuhan ng hindi pagiging matangkad kung saan mas nagiging bayolente at magagalitin sila sa tuwing inaasar o niloloko sa kanilang height.
Kung saan ayon sa mga siyentipiko, totoong ang mga lalaki umano na nakararamdam ng insecurities sa pagiging masculine ay may malaking tsansang maging mainitin ang ulo at makapanakit.
Gayunman, sa mga nakaraang pag-aaral, may ilang researchers mula sa Oxford University ang nagsabi na totoo rin daw umano ang “short man syndrome”.
Ito ay dahil ang pagiging maliit ng isang tao ay nakai-increase ng vulnerability at nakatataas din ng lebel ng paranoia o mas kilala bilang “napoleon complex” at dahil ang society ay mas naka-focus sa pisikal na hitsura sa parehong kasarian, ang pagiging matangkad ay nagiging isyu na rin sa kasalukuyan.
Kaya mga bro, kung isa kayo sa mga hindi nabiyayaan ng magandang height, don’t worry dahil hindi naman nababase ang kakayahan o personalidad sa height, nasa diskarte pa rin naman ito kung paano mo pagagandahin ang iyong buhay. Okay?





Comments