Search
  • Mylene Alfonso

Palasyo sa taas-pasahe | “WALA TAYONG MAGAGAWA”


UMAPELA ang Mala­ca­ñang sa publiko na magtiis muna sa gitna ng panibagong pagtaas ng pamasahe sa susunod na buwan.

Una nang inaprubahan ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board ang dagdag na P2 sa pamasahe sa public utility jeepneys simula sa Nobyem­bre 3 kaya magiging P10 na ang minimum fare habang ang minimum fare sa Metro Manila buses ay nasa P11 mula P10 at sa provincial buses naman ay P13 mula P12.

Sa panayam, sinabi ni Presidential Spokes­per­son Salvador Panelo na wa­lang opsiyon ang gob­yerno kundi payagan ang fare hike dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pro­duk­tong pet­rolyo sa mer­kado.

Nilinaw din ni Panelo na posibleng temporary lamang ang bagong pagtaas ng pa­masahe ay maaari namang ibaba kapag bumaba na ang presyo ng produktong pet­rolyo sa world market.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.