top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Maging responsableng turista sa pagbisita sa Boracay Island

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2018
2 min read

ILANG araw na lamang at tuluyan nang magbubukas sa turismo ang pamosong Isla ng Boracay.

Ano ang dapat nating alalahanin sa pag­bisita natin doon matapos ang masinsinang paglilinis at rehabilitasyon na isinagawa ng pamahalaan sa nakaraang anim na buwan?

Unang-una, huwag sana tayong mag-iwan ng basura kung saan-saan. Mayroong mga tamang tapunan ng kalat at hindi sa mala-pulbos na buhangin nito.

Nakalulungkot na sa unang araw ng dry-run ng pagbubukas ng isla ay mayroon na agad lumabag sa mga patakaran.

Gayundin, kitang-kita sa nag-viral na mga larawan ang mga basurang iniwan sa buha­ngin na nagpapakita ng kawalan ng disiplina na tila hindi tayo natututo.

Para sa mga bibisita sa isla, mangyari sanang sumunod tayo sa mga patakaran.

Think of it as a new Boracay Island that you will be visiting.

Kailangan na maging responsable ta­yong mga turista upang matagal nating ma-enjoy ang ganda ng isla.

Kung nagagawa nating irespeto ang mga patakaran sa ibang bansa, marahil ay maga­gawa rin natin ito sa Isla ng Boracay.

Isa pang dapat nating i-check mabuti ay kung accredited na ang ibu-book nating hotel.

Ito ay dahil sa total na 455 hotels sa isla ay 68 lang ang pinayagan na muling mag-operate ng kanilang negosyo.

Huwag tayong maging pasaway, i-research muna natin ang ating tutuluyang hotel bago mag-click ng book.

Maaari ninyong makita ang listahan ng Department of Tourism sa advisory nito sa: https://www.facebook.com/notes/department-of-tourism-philippines/boracay-inter-agency-task-force-public-advisory-15-october-2018/2427892730570918/

Gayundin, limitado ang papayagang bi­lang ng turista sa isla kada araw, 6,405 to be exact.

Ayon sa DOT ay nakausap na nila tungkol dito ang airlines na nagdadala ng mga turista sa Boracay Island.

Marahil, may mga malulungkot na hindi matutuloy ang kanilang mga plano ngunit, alalahanin natin ang naging lagay ng Bora­­cay Island bago masimulan ang rehabilitas­yon nito kumbaga, dapat maipakita natin na tayo mis­­mo ay kayang igalang at pangalagaan ang sariling atin.

Maging responsable sana tayo dahil at the end of the day, kung tayo nga hindi natin marespeto ang sarili nating lugar, paano ang mga dayuhang saglit na mamamalagi rito?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page