Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 20, 2018 (Sabado)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 20, 2018 (Sabado): Masa­yang buhay ang para sa iyo. Mag-ingat ka dahil madalas, ang saya ay nagi­ging hadlang sa pagiging masikap. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damang-da­ma mo na ang kapaskuhan dahil may mga paunang regalo na sa iyo ang la­ngit. Ihanda mo ang iyong sa­rili dahil marami pang biyaya ang darating sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nasaan ka, darating sa iyo ang mga suwerte, kaya huwag ka ng umalis sa kinaroro­onan mo. Ito rin ay nagsasabing hindi ka dapat magpalit ng pinagkakakitaan. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-29-30-33-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Inaayos pa ng kapalaran mo ang takbo ng iyong buhay dahil ikaw ay natag­puang mabilis kung mag­pasya na parang hindi ka gaanong nag-iisip. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­la­ran. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-2-15-26-30-31-37.

CANCER (June 21- July 22) - Mapupuno ka ng saya nga­yon at sa dara­ting pang mga araw. Hu­wag na huwag kang mali­li­bang dahil baka makali­mu­tan mo na ikaw ay may mga pangarap na kailangang matupad. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-4-11-16-22-28-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon na ang pagkaka­taong noon mo pa hinihin­tay kung saan papabor sa mga kagustuhan mo ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-29-32-38-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang mag­da­dala sa iyo ng tagumpay at hindi ang iyong damda­­min. Kaya mas makabu­buti na palagi mong bitbitin ang talas ng iyong isipan. Ito ang mensahe ng iyong ka­­palaran. Masuwerteng ku­­lay-brown.Tips sa lotto- 04-16-27-36-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka! Kahit hin­di ito masyadong maganda, wala ka ng magagawa da­hil ito ang nakatakda sa iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-18-20-24-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ganito ang sabi, daig ng maagap ang masipag. Pero ikaw, daig mo ngayon ang maagap at masipag dahil ang mga suwerte ay magdaragsaan sa iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-green.Tips sa lotto-3-18-21-29-34-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatu­tuwa ang ka­pa­laran mo dahil ang may ayaw sa iyo ay bigla kang magugus­tuhan. Mabibigla ka at i­iwas pero, kayong dalawa ay magsasalo sa saya at li­gaya. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-6-16-24-25-33-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap maunawaan ang kapala­ran ng isang tao.Tulad mo, madalas wala kang bilib sa iyong sarili, pero ang la­ngit pala ay humahanga sa iyo kaya huhulugan ka nito ng mga biyaya. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-23-32-349-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo makikita ang hinahanap mo, pero ang makikita mo ay ang talagang para sa iyo. Sa huli, mauunawaan mo na hindi pala natin dapat hinahanap ang mga ba­gay na gusto natin dahil kusa itong dumarating. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-20-21-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinaragdagan ang kulang at binabawasan ang sobra. Pag-aralan mo ang iyong sarili nang sa gayun ay makuha mo kung ano ang nararapat para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-25-29-30-33-39.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.