Search
  • BULGAR

Gustong gamitin ang pangalan ng ibang tao para sa produkto ng kanyang negosyo

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari kong ipangalan sa “crush” ko ang isa sa mga produkto ng aking negosyo?—Sasha

Dear Sasha,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Republic Act (R.A.) No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code kung saan nakasaad na:

“SECTION 123. Registrability. —

123.1. A mark cannot be registered if it:

a. xxx;

b. xxx;

c. Consists of a name, portrait or signature identifying a particular living individual except by his written consent or the name, signature or portrait of a deceased President of the Philippines, during the life of his widow, if any, except by written consent of the widow;”

Ibig sabihin, hindi maaaring gamitin ang pangalan, litrato o lagda ng nabubuhay na tao para sa paggawa ng trademark maliban na lamang kung mayroong mga dokumento na nagpapakita na kayo ay kanyang pinayagan para rito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.