Search
  • ROMA AMOR

Beking dehins na kering magtago ng feelings sa BFF na babae

Dear Roma, Ako si Charles, pero kapag gabi, ang pangalan ko ay Charlene. Oo, isa akong bakla at may best- friend ako na babae, ‘yun naman ay si Eunice. Sa ngayon, may problema ako tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Palagi kasi kaming tinutukso sa amin, na-fall ako at kumagat sa panunukso nila kaya sa tingin ko mahal ko na siya, kaya lang natatakot akong umamin kasi baka pagtawanan lang niya ako. Ano ang dapat kong gawin? — Charles

Charles, Walang masama kung magkagusto ka sa babae, Charles, dahil kahit paikut-ikutin man natin ang mundo lalaki ka pa rin naman. Huwag kang matakot na aminin ang nararamdaman mo para kay Eunice, malay mo kaya ka pala niyang mahalin pabalik. Hangga’t wala kang natatapakang ibang tao, wala kang dapat ipangamba sa gagawin mo. Kaya mo ‘yan, besh! He-he-he! Beki power! Good luck at God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.