Search
  • BULGAR

Banta ni P-Duterte, magwawala siya 'pag dinala sa ICC

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

P-DUTERTE, PANIC MODE NA SA ICC?—”Do not drag me to ICC (International Criminal Court)...magwawala ako roon.” Ito ang mensaheng ipinarating ni P-Duterte sa ICC kaug­nay sa kinahaharap nitong kaso rito na crimes against humanity.

Tila yata may naku­hang impormasyon si P-Duterte na malapit-lapit na siyang litisin sa ICC kaya mistulang nag­pa-panic at nakapagbitaw na siya ng ganyang mga salita, boom!

◘◘◘

MGA ‘MANOK’ NI P-DUTERTE, LA­MANG ANG TALO KASYA PANALO—Lamang ang talo kaysa panalo ang mga kan­didato ni P-Duterte sa eleksi­yon next year.

Mayorya kasi ng mga botante ay Katoliko at dahil hindi pa rin naaalis sa isipan ng mga Ka­toliko ang pagmu­mura ni P-Duterte sa Diyos at sinabihan pa niyang istupido ang Diyos ng mga Katoliko kaya malamang ibasura ng mga Katoliko ang mga kan­didato ng pangulo sa darating na May 13, 2019 election, period!

◘◘◘

KAYA PALA TO­DO-SIPSIP SI GRIN­GO KAY P-DUTERTE KASI GUSTO PALA NI­YANG MAGING CA­BINET MEMBER —Tinanggap na ni Sen. Gringo Honasan ang alok sa kanya ni P-Duterte na maging kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kaya pala naki-join na rin si Gringo sa mga senador na sumisipsip kay P-Duterte ay dahil may ambisyon din pala itong maging miyembro ng gabinete ng pangulo, pwe!

◘◘◘

GULO SA MINDA­NAO, LUMALALA KASI PATI KOTONG, PINAG-AAWAY-AWAYAN NA NG MILF COMMANDERS—Nagbarilan ang dalawang grupo ng MILF, grupo ni Kuman­der Mac4 laban sa grupo ni Kumander Tahir at ayon kay Col. Harold Cabunoc ng Philippine Army (PA), ang sanhi ng sagupaan ng dalawang grupo ng MILF ay “inggitan” daw sa kini­kita sa pangongotong sa mga negosyante at mga mag­sasaka sa Maguin­danao.

Ito ba ang sinasabi ni P-Duterte na matitigil na ang karahasan sa Minda­nao dahil sa nilagdaan niyang "Bangsamoro Organic Law”? Eh, sa totoo lang, tila lalong lumala ang gulo kasi ang pinag-aaway-awayan ng mga kumander ng MILF sa Mindanao ay ang kotong, mga buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.