Search
  • BULGAR

BAGONG CHALLENGE NI VANGUARDIA SA BLACKWATER ELITE, MASUSUBOK

SA bago niyang posisyon bilang kahalili na governor at sports director ng Blackwater Elite, umaasa si onetime PBA coach Ariel Vanguardia na matulungan ang prangkisa at sports programs ng kumpanya na walang sawang tumutulong sa Pinoy athletes sa nakaraang ilang taon.

Itinalaga ng Elite owner ang 46-anyos na si Vanguardia at tubong Calamba City sa bago niyang posisyon at tiyak na panibagong paghamon ito sa kanya bilang coach.

“This is new to me, being a coach is different from the new positions I have now although if you think about it, you still carry or bring the same responsibility,” ayon kay Vanguardia. “Of course I’m thankful to boss Dioceldo Sy and Siliman Sy for their trust. Hopefully the experience I gained during my coaching stints in college, in the ABL, and then in the PBA will help me as sports director and alternate governor of the team in the PBA board,” dagdag niya.

Sinimulan ni Vanguardia ang ‘head’ coaching career sa Jose Rizal Heavy Bombers mula 2006 - 2009, kinilala bilang Coach of the Year ng Westports Malaysia noong ASEAN Bas­ketball League 2015 at nagkampeon ang Dragons ng 2016. Ngayong nasa Blackwater Elite, naupo si Vanguardia sa bakanteng posisyon bilang governor ng liga, na ang trabaho ay katawanin ang team sa pulong ng PBA board sakaling wala si Governor Siliman Sy – batang kapatid ni Dioceldy Sy.

Bilang sports director, inaasahan si Vanguardia na mag­bibigay payo sa coaching staff ng Elite sa pamumuno ni head coach Bong Ramos, at magsasagawa ng sports pro­grams ni Sy tulad ng Ever Bilena at iECO, ang thermal burner waste management company. Bahagi nito ay ang revival ng EB Foundation na ngayon ay sumusuporta kay swimmer Jasmine Alkhaldi, dating two-time Olympian, umaasa si Vanguardia na makilala ang iba pang Pinoy athletes na kailangan ng tulong para sa pag­hahanda sa iba’t ibang international events.

Si Vanguardia na nais sundan ang yapak ni NLEX mentor Yeng Guiao at ma­kapaglingkod sa kanyang bayan sa probinsiya ng La­guna ay unang naging coach ng iECO Green Warriors noong Setyembre sa Terrific 12 ng The Asia Lea­gue sa Macau. (MC/ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.