Search
  • BULGAR

Taray! SANYA, 2 HARI NG KAPUSO ANG NABINGWIT

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MARAMING naiinggit ngayon sa Ka­puso actress na si Sanya Lopez. Matapos kasi siyang magbida sa pelikulang Wild & Free ng Regal Films na kapareha ni Derrick Monasterio, leading lady uli siya sa seryeng Cain at Abel na pag-aagawan ng dalawang malalaking Kapuso actors na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Level-up na nga nang husto ang career ni Sanya after Encantadia. Napakasu­werte niya na nakuha ang dalawang “kings” ng GMA Network — sina Dingdong (Prime­time King) at Dennis (Drama King).

Sexy at maganda si Sanya Lopez, pero walang dapat ipagselos sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.