Search
  • BULGAR

SUV, sumalpok sa ospital

ISANG SUV ang sina­sabing nawalan ng kontrol sa loob ng parking lot ng isang ospital sa Bonifacio Global City, Taguig, kamakalawa, da­hilan para magiba ang isang pader papasok sa ele­vator area.

Sa inisyal na ulat, galing ang isang Mitsubishi Mon­tero Sport sa basement 4 par­king ng St. Luke’s Medical Center na minamaneho ni Johann Dizon, 53.

Sa pahayag umano ng driver sa pulisya, imbes pre­no ay silinyador ang kan­yang natapakan dahilan para big­laang umandar ang sasakyan.

Sa CCTV footage, ban­dang alas-7:30 ng umaga, makikita ang pagharurot ng sasakyan galing sa parking papasok sa elevator area.

Sa lakas ng impact, na­baklas ang pinto at nawasak ang bahagi ng pader sa na­sabing lugar. Wala namang na­saktan sa insidente. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.