top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Say no to pangangasim ng sikmura na may kasamang pagsikip ng dibdib! MGA PAGKAING EPEKTIB NA PANLABA

  • No Problem
  • Oct 19, 2018
  • 1 min read

KARAMIHAN sa atin ay nakararanas na ng acid reflux na nakaiirita at nakapanghihina talaga. Kaya lang, hindi natin alam ang mga pagkaing dapat nating kainin para hindi na tayo sumpungin nito. Kaya narito ang ilang pagkaing dapat kainin upang hindi na makara­nas ng acid reflux.

1. VEGETABLES. Ang gulay ay mababa sa taba at asukal. Ito rin ay nakatutu­long sa pagbabawas ng asido sa tiyan. Mainam na kainin ang green beans, broccoli, asparagus, cauliflower, leafy greens, potatoes at cucum­ber.

2. GINGER. Ang luya ay may anti-inflammatory properties at gamot talaga ito sa heartburn at gastroin­testinal problems.

3. OATMEAL. Ma­inam ang oatmeal dahil ma­taas ito sa fiber. Ang oatmeal ay nakaa-absorb ng asidong nasa tiyan, ito rin ay nakaba­bawas ng acid reflux.

4. NON CITRUS FRUITS. Kumain ng mga prutas na hindi maasim tulad ng me­lon, banana, apple, peras at marami pang iba.

5. LEAN MEATS. Kabilang dito ang manok, isda at iba pang seafoods na mababa sa taba at nakaba­bawas ng sintomas ng pag­kakaroon ng acid reflux.

6. EGG WHITES. Kung kakain naman ng itlog, maganda kung aalisin o ta­tanggalin ang egg yolks dahil may mataas itong taba na nakati-trigger ng pagkaka­­roon ng sin­tomas ng acid reflux.

7. HEALTHY FATS. Ang healthy fats na dapat kinakain ay avocado, wal­nuts, flaxseed, olive oil, se­same oil at sunflower oil. Dapat na ring bawasan ang pag-inom ng saturated fats at trans fat at palitan ito ng healthy unsaturated fats.

Iwas-iwas na sa pagkain ng matataba, mga beshy! Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page