Search
  • Levi Gonzales

Problemado sa negosyo | MISTER NAGBIGTI

WALA ng buhay nang madiskubre ng kanyang misis ang isang negosyante matapos magbigti sa kani­lang bahay sa Bgy. Dapdap, Tayabas City, Quezon.

Pasado alas-7:00 ng gabi, pagpasok umano ng ginang sa kanilang bahay nang bumulaga ang nakabi­ting asawa na si Ricky Nantes, 44. Agad umano siyang hu­mingi ng tulong upang ma­ibaba ang biktima ngunit, wala na itong buhay.

Ayon sa misis, ilang araw na nitong napapansin ang matinding depresyon ng asawa. Posible umanong may kinalaman ito sa kani­lang negosyo. Samantala, wala namang palatandaang nakikita ang imbestigador na may naga­nap na foul play sa insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.