top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Parusa sa nuisance candidates, dapat lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2018
1 min read

TUWING halalan, hindi nawawala ang mga nagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) na tinatawag na ‘nuisance candidates’.

Sila ang mga itinuturing na umano ay mga pam­pa­gulo.

Kaugnay nito, isang panukala ang isinusulong sa Senado kung saan papatawan ng parusa ang mga nuisance candidate.

Sa ilalim ng Senate Bill 911, maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon at pagmumultahin ng P50, 000 ang mga nuisance o ang sinumang mapatutunayang pinaglalaruan ang paghahain ng kan­didatura.

Hindi maitatanggi na may pagkakataon na sadyang naaabuso ang proseso ng halalan.

Kamakailan ay may mga nag-file ng COC na aminadong gusto lang sumikat sa social media at mayroon ding trip lang.

Utang na loob, huwag sanang gawing katatawanan ang eleksiyon, huwag natin itong babuyin.

Sa ngayon, 152 ang naghain ng COC sa pagka-senador at inaasahang marami ang matatanggal kapag naisalang na ito sa mga pagdinig ng Comelec.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page