Search
  • BULGAR

PACMAN, PORMAL NA INANUNSIYO NA SI BRONER ANG KALABAN SA ENERO


PINAL nang inanunsiyo ni Senator Manny Pacquiao na haharapin niya si dating world champion Adrien Broner sa susunod niyang laban upang maging paghahanda niya sa rematch nila ni Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ng 39-anyos na Pinoy boxing icon na ang laban kay Broner ay maaaring idaos ng Enero 12 o 19 sa Las Vegas, Nevada. Isinagawa ni Pacman ang anunsiyo noong Miyerkules ng gabi nang ipakilala siya bilang latest ambassador ng International Sports Promotion Society of ISPS Handa.

“Broner, Adrien Broner,” ayon kay Pacquiao sa Spin.ph nang tanungin kung sino ang susunod niyang makakalaban. “I think either January 12 or 19.”

Nang tanungin kung ang Broner bout ay bilang paghahanda niya sa Mayweather rematch, walang ibang naging sagot si Pacman kundi, “Basta laban lang tayo,” aniya.

Sinabi rin ni Pacquiao, ang reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion na baka muling magbalik sa boksing si Mayweather sa Dis. 31 pero hindi na pinangalanan kung sino ang susunod na kasagupa sa susunod na laban. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.