Search
  • BULGAR

Kung ipinagbabawal ng batas ang pangongolekta ng endangered species na hayop

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Libangan ko ang mangolekta ng pango­lin dahil bihira ang ganitong hayop sa ating bansa. Sa kasa­lukuyan, mayroon akong labindalawa nito sa bahay at nais ko silang paramihin. Gayunman, wala akong balak na ibenta ang mga ito. Gusto kong malaman kung may batas ba na nag­babawal sa pango­ngolekta at pagpapa­rami ng mga ito? —Matt ng Palawan

Dear Matt,

Para sa inyong ka­ala­man, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 9147 o “An Act Providing for the Conservation and Protection of Wildlife Resources and their Habitats, Appropriating Funds Therefore and For Other Purposes.” Nakasaad sa Section 27 (f) ng batas na ito na:

“Section 27. Illegal Acts. – Unless otherwise allowed in accordance with this Act, it shall be unlawful for any person to willfully and knowingly exploit wildlife resources and their habitats, or undertake the following acts: x x x

(f) Collecting, hunting or possessing wildlife, their by-products and derivatives; […]”

Samakatwid, hindi pinahihintulutan ang sinuman na mango­lekta, manghuli o magmay-ari ng wildlife resources o yaman-gubat, mga pro­duktong galing dito at anumang deribatibo. Base sa klasipikasyon ng Palawan Council for Sustainable Development, ang pangolin ay critically endangered species.

Kaugnay nito, naka­saad din sa batas na ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng pag­kakulong ng dalawang (2) taon at isang (1) araw hanggang apat (4) na taon. Maaari rin si­yang magmulta ng hala­gang tatlumpung libong piso (P30, 000) hang­gang tatlongdaang li­bong piso (P300, 000) kung ang hayop ay nasa kategoryang critical species. Maaaring ma­ipataw ang pinakamataas na parusa kung ang nasabing mga paglabag ay isinagawa sa pama­magitan ng inappropriate techniques and devices.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­base sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagka­kain­tindi namin dito. Maaa­ring maiba ang opinyon kung mayroong karag­dagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sa­sangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.