top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Oktubre 19, 2018 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 19, 2018 (Biyernes): Ha­wak mo ang iyong kapala­ran kaya kung gugustu­hin mong yumaman, ya­ya­man ka. Magpasala­mat ka sa langit sa espeyal na kakayahang ibinigay niya sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbago ang takbo ng iyong kapalaran kung saan mas lumaki ang pagkakataon mo na bumilis ang iyong pagya­man. Huwag mo munang asikasuhin ang mga ba­gay na walang kinalaman sa pagpapayaman. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-23-29-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda ka sa masasa­yang kagana­pan na inilaan sa iyo ng langit. Para malubos mo ang iyong kasiyahan, nga­yon pa lang ay dapat mo ­ng alisin ang iyong pa­giging mahiyain. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-25-28-35.

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag mong sayangin ang lakas ng iyong karisma ngayon. Gamitin mo ito sa paraang mas da­rami ang kikitain mo. Pa­­lagi mong tatandaan na hindi lang sa pagkaka­roon ng karelasyon ginagamit ang karisma. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-15-21-26-39.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong pansi­nin, ang mga nasa tabi mo na hindi naniniwala sa iyo. Hayaan mo lang sila at sa huli ay makikita ng kanilang mga mata na maunlad na ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-25-28-33-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­ka­poporma ang mga karibal mo kapag sumobra ang tiwala mo sa iyong sa­rili. Pero, kung mananatiling buhay ang ningas ng iyong sigla at sigasig, sila ay sa­ma-samang mapapahiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-21-23-32-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ganito ang sabi, kapag kumilos ka na nakatodo ang galing at husay mo, magtatagumpay ka. Ga­yun­man, kahit hindi sagad ang galing at husay mo, mga makukuha mo pa rin ang mga gusto mo. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-27-36-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumaban ka! Labanan mo ang hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Ang panalo ay para sa mga nakikipagla­ban at hindi sa mga nadu­duwag at mahihina ang ka­looban. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-29-30-31-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang katapusan ang pagpapalit ng araw at gabi. Kaya nga sa dilim ng buhay isinisi­lang ang liwanag. Ipana­tag mo ang iyong kaloo­ban upang magliwanag na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-18-26-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ganito ang sabi, kung sino ang kasama mo, ikaw ay gayundin. Kaya ang payo, dumikit ka sa mga umaangat ang buhay at makaaasa ka na aangat din ang iyong ka­lagayan. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-4-12-25-30-35-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matatalo mo ang ba­bang­ga sa iyo. Pero, mag-ingat ka upang hindi mo mapatulan ang mahal mo na maaaring su­­malungat sa iyong ka­gus­tuhan. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-21-27-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakasa­sawa ang lahat ng bagay sa mundo. Ito ang tagong dahilan kung bakit pa­rang ayaw mo na sa sarap ng buhay at naghahanap ka ng mga bagong paki­kipagsapalaran. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-20-27-41-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong ka­looban. Haya­an mo lang ang mga gigil na gigil na yumaman. Ma­kikita mo na sila ang unang magsisibagsak. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-32-36-40-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page