top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Escorts ng FDA director | 3 PULIS TODAS SA AMBUSH

Jeff Tumbado
Oct 19, 2018
1 min read

NAPATAY sa isinagawang pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong pulis habang escort ng mga ito ang isang government official sa Lupi, Camarines Sur, kahapon.

Dead-on-the-spot sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza at PO1 Ralph Jason Vida habang sugatan naman ang kanilang kasamahan na nakilalang sina PO1 Jonathan Perillo, PO1 Ruby Buena at PO1 Rodolfo Gonzaga.

Pawang mga naitalagang security escort sila ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Nela Charade Galang-Puno.

Batay sa paunang imbestigasyon, sinundo ng police convoy lulan ang mga biktima si Puno sa Naga Airport para ihatid ito sa Daet, Camarines Norte para dumalo sa isang aktibidad na inorganisa ng LGU roon.

Pasado alas-8:55 ng umaga umano nang makarating ang convoy sa bahagi ng Bgy. Alanao at doon na pinaulanan ng bala ang mga pulis ng rebeldeng grupo.

Ayon kay Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, Philippine Army, agad rumesponde ang tropa ng mga militar sa pinangyarihan ng pananambang. Samantala, nakaligtas naman si Puno sa naturang pananambang at nasa maayos nang kalagayan.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng malawakang pagtugis ang pulisya at militar laban sa mga responsable sa madugong pag-atake.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page