Digong, umamin | PAGPAPATALSIK KAY ALVAREZ, SI SARA ANG UTAK
- Mylene Alfonso
- Oct 19, 2018
- 1 min read

PINAG-IINGAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat sa kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa 44th Philippine Business Conference and Expo at Fiesta Pavilion, Manila Hotel, One Rizal Park, Manila.
Ani Pangulong Duterte, bukod sa nambugbog ng isang sheriff sa harap ng publiko, kaya rin ni Sara na magpatanggal ng isang speaker sa Kamara kahit sa Davao lang ito nag-operate.“Be careful with that woman. She can even oust the Speaker. She operated in Davao. Tingnan mo ang nangyari sa Congress, natanggal si…” ani P-Duterte
“Sinabi daw ni Inday - nagkita sila sa washroom- ‘Tell my father, I’m sorry.’ So I did not know the implication of that. Wala akong... honest to God. Si Inday, ‘yun, minaneuver niya,” dagdag pa ng pangulo.
Matatandaang, una nang napaulat na kaya natanggal noon si dating House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa away nila ni Sara.
Comentários