TESDA at iba pa, nagtulungan para sa kabataang gustong makapag-aral!
- BULGAR
- Oct 18, 2018
- 2 min read
Mga ka-TESDA, magandang balita dahil magtutulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Philippine Business for Education (PBEd) sa pagpapatupad ng workforce development project Youth Works PH upang mapagkalooban ng skills training ang kabataan na hindi nag-aaral, walang trabaho o tinatawag na Not in Education, Employment or Training (NEET). Ang PBEd na siyang nagpatupad ng five-year, P1.7-billion project sa pakikipagtulungan sa United States Agency for International Development (USAID) ay lumagda sa memorandum of understanding kamakailan sa pagitan ng TESDA para sa pagbuo ng workbased training programs para sa kabataang NEET.
Tanong: Magandang araw! Nais kong malaman kung anu-anong larangan ang mga matutulungan ng partnership ng Youth Works PH at TESDA o kung isa lang ang pokus ng kanilang programa?– 09458502***
Sagot
Mga ka-TESDA, sa ilalim ng partnership ng Youth Works PH at TESDA, sila ay magkakaisa sa pagbuo ng makabagong models para sa workbased training sa larangan ng konstruksiyon, hospitality and tourism, agrikultura, manufacturing, enerhiya at banking and finance nang sa gayun, matutukan ng husto sa bawat larangan ang may gustong kumuha ng mga nasabing kurso.
Tanong: Gusto kong malaman kung saang probinsiya ang target ng TESDA para sa programa nila na kasama ang Youth Works PH?— 09157892***
Sagot
Mga ka-TESDA, target ng Youth Works PH na pahusayin ang kasanayan ng may 40,000 kabataang NEET sa NCR, Iloilo, Cebu, Cagayan de Oro, Davao, Zamboanga at General Santos City sa loob ng susunod na limang taon. Tututok ito sa anim na growth area ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang “key employment generators at emerging industries” sa kani-kanilang regions tulad ng agrikultura, banking and finance, konstruksiyon, hospitality and tourism, energy at manufacturing.
Mga ka-TESDA, ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya handa ang TESDA upang palawakin at bigyan ng pagkakataong makapag-aral ang kabataan na hindi mapag-aaral ng kanilang mga magulang. Ito ay para magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Kaya sa lahat ng mga magulang at kabataan, pumunta na kayo sa pinakamalapit na opisina ng TESDA sa inyong lugar!
Comments