Search
  • Jeff Tumbado

Simula Nobyembre | P10 PASAHE SA JEEP


ITINAAS na sa sam­pung piso (P10.00) ang minimum na pasahe sa pampublikong jeepney.

Ito ay makaraang apru­bahan ng Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang dalawang piso (P2.00) na permanent jeepney fare hike.

Epektibo ang pagtaas sa singil sa pasahe sa Nob­yembre at ipatutupad ito sa National Capital Region, Regions III at IV.

Matatandaang, inihain ang petisyon ng grupong FEJODAP, ACTO, LTOP, ALTODAP at PASANG-MASDA.

Sa nasabing desisyon, lumagda sina LTFRB Chairman Martin Delgra at Board Member Engr. Ro­naldo Corpus, habang nag-dissent naman ang isa pang Board member na si Atty. Aileen Lizada.

Inatasan naman ang Technical Division na ihain na ang bagong fare matrix na gagamitin ng PUJs.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.