Search
  • Vyne Reyes

Pulis, todas sa NPA

TODAS ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang tambangan ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Maria Aurora sa Aurora Quezon, Martes nang hapon.

Kinilala ni Chief Supt. Amador Corpus, ang napatay na tauhan nito na si Police Officer 2 Martial Ronald Buendicho Ruidera.

Sugatan din sa insidente si Senior Police Officer 2 Angelo Nobleza Gawat, ang chief investigator ng Maria Aurora Police.

Reresponde sana sa sumbong ng panununog ang grupo ng mga pulis sa Sitio Dipawan sa Bgy. Villa nang tambangan ng mga rebelde.

Isang armadong grupo ang sinasabing nanunog ng heavy equipment ng pri­badong contractor na gumagawa ng kalsada sa lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.