Search
  • BULGAR

Para dehins ka na magwo-worry tuwing makakausap mo si crush, lodi! CINNAMON, KERING PANLABAN SA BAD

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

IKA nga, kung ano pa ‘yung hindi masyadong nagugustuhan ng karamihan, ‘yun pa ‘yung mas nakatutulong sa kalusugan. Kaya naman para sa mga dehins bet ang cinnamon, knows ba ninyong marami itong health benefits na maibibigay sa atin? Wow!

Ayon sa mga eksperto, ang cinnamon daw umano ay gawa sa isang uri ng puno kaya mayroon itong kakaibang amoy at kulay. Anila, maraming health benefits ang cinnamon dahil mayroon itong essential oil.

Ang cinnamon ay anti-oxidant kung saan nagko­kontamina ito ng polyphenols, phenolic acid at flavonoids.

Gayunman, ang mga compound na ito ay nakatutulong upang malabanan natin ang stress at nakapi-prevent ito ng pagkakaroon ng chronic diseases.

Bukod pa rito, para sa mga broken-hearted, alam ba ninyo na ang cinnamon din ay nakapoprotekta sa ating puso at nare-reduce nito ang panganib ng pagkakaroon ng high blood pressure at stroke, gayundin ang ating sugar level ay namamantina nito sa tama upang hindi tayo magkaroon ng diabetes?

Dagdag pa sa mga ito, kahit ang ating oral health ay natutulungan din ng cinnamon na dahil kung bad breath ka, lodi, keri rin itong gamitin dahil tulad daw ito ng peppermint na nakatatanggal umano ng oral bacteria.

At kung madalas naman tayong inuubo, sinisipon o nagkaka­roon ng singaw, don’t worry dahil sagot din diyan ang cinnamon dahil nalalabanan nito ang kahit anong viruses at infections.

Kaya para sa mga hindi masakyan ang trip ng amoy ng cinnamon, tiis-tiis lang! Keri naman ang lasa nito kung ilalagay sa kape, tinapay o cake.

Kaya sa mga beshy nating dehins bet ang amoy o lasa ng cinnamon, naku, ‘wag na kayong choosy nang sa gayun, magkaroon kayo ng healthy body! Copy? Hi-hi-hi!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.