Search
  • Ka Lando

ORLANDO SALES PRIMO, 62

SUMAKABILANG bu­hay na si BULGAR (Renda at Latigo columnist) Orlando Sales Primo aka Ka Lando sa edad na 62, noong Martes, Oktubre 16 dahil sa malubhang karamdaman. Labing-dalawang taon nang contributor siya ng pahaya­gang ito sa SPORTS page bilang tagapagbigay ng tips ng mga tatayaang kabayo sa karera gamit ang pen name na Ka Lando. Inulila ni Primo ang 2 anak na babae na sina Merce­delle at Selena. Nakaburol si Primo sa Greatland Village Covered Court sa Queens­land St., San Pedro City, Laguna at nakatakda pang iha­yag sa mga susunod na araw ang paghahatid sa kanyang huling hantungan.

Hinihiling ng kanyang mga naulila sa mga kamag-anak nila, malalapit na mga kaibigan at nakakakilala kay Primo ang isang mataimtim na panalangin para sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa. Bukod sa pagk­o­ko­lum niya ng Renda at Latigo bilang beat writer sa horseracing ay kumokober din siya ng cockfighting na espesyalidad niya hanggang sa ma-confine siya sa ospital ng nakaraang dalawang linggo ay patuloy pa rin siyang nagpapadala ng kanyang mga istorya. May He Rest in Peace.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.