Numb it with oil, try magnesium, stay hydrated etc… IBA’T IBANG PARAAN UPANG MAWALA ANG PANANAKIT NG

SUMASAKIT ba ang ulo mo at wala kang ideya kung paano ito mawawala? Narito ang limang tips para sa inyo upang mawala ang makirot at tumitibok na ugat ng inyong ulo!
1. TRY MAGNESIUM. Truelalu, sissy! Karamihan kasi sa mga taong sumasakit ang ulo ay nagiging mababa ang magnesium. Ang magnesium ay nakapagpapa-relax ng muscles. Halimbawa ng mga pagkaing mayroon nito ay ang fish, nuts at fruits.
2. NUMB IT WITH OIL. Kahit sino naman siguro kapag sumasakit ang kasukasuan, eh, naghahanap talaga ng mga panghilot? Mabisa kasi talaga itong pantanggal ng mga sakit ng kasukasuan, gayundin ng sakit ng ulo.
3. STRETCH YOUR NECK AND SHOULDERS ONCE AN HOUR. Maaari rin namang i-stretch ang leeg at mga balikat dahil nakakonekta rin ito sa ating ulo. Pero, dahan-dahan lang dahil baka ang leeg naman ninyo ang sumakit kung sakali. He-he-he!
4. STAY HYDRATED. Kailan ba hindi kinailangan ang tubig kapag may iniindang sakit? Siyempre, present pa rin ang tubig! Hindi lang natin nalalaman, pero kapag sumasakit ang ulo natin ay nagreresulta ito ng dehydration. Kaya mainam na uminom ng kape, sweetened drinks at tubig.
5. TAKE MEDS. Kung lahat ng mga nasa itaas ay ginawa na ninyo at hindi pa rin umepekto, siyempre, to the rescue na ang pain reliever! Maaaring uminom ng pain reliever, pero mas maganda kung oorasan para maging epektibo talaga ito.
Say bye-bye sa sakit ng ulo! Yey!





Comments