- Madel Moratillo
Nakakasira raw ng pag-aaral | DOTA AT COC, IPAGBAWAL!

NAIS ng isa sa mga kandidato sa pagka-senador sa 2019 midterm polls na ipagbawal na ang mga sikat na online games tulad ng Clash of Clans (COC) at Defense of the Ancients (DOTA) sa mga kabataan.
Ayon kay Bethsaida Lopez, isa umanong ‘street educator’, sakaling palarin siyang manalo sa halalan, isusulong niya na i-ban ang mga nasabing laro sa mga estudyante.
Giit ni Lopez, malaki ang papel ng mga nasabing laro para masira ang buhay ng mga kabataan at natututo pa aniyang magmura ang mga ito.
Dahil sa pagkaadik sa mga nasabing laro, sinasayang ng mga estudyante ang hirap ng kanilang mga magulang para sila makapag-aral. Ikinuwento pa nito ang isang Architecture student na hindi umano naka-graduate dahil sa pagkaadik sa mga nasabing online game.