Search
  • BULGAR

Kongresista, isinusuka… 'VILMA', AYAW DAW MANALO SI MOCHA, NIRESBAKAN NG NETIZEN

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

MAY poser si Lipa City Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa Twitter na kung anu-ano ang ipino-post kaya naman tila naalarma na si Luis Manzano at nag-tweet na tungkol dito.

“Please don’t forget to report the account @vilmaSRecto for bullying, harassment and as a fake account,” tweet ni Luis.

Nag-react din ang TV host sa isang basher na nagsabing disappointed siya kay Ate Vi dahil sa tweet nito about Mocha Uson na: “Pag si @MochaUson nanalo dko na alam kung tama pa bang manirahan sa #PiliPINAS.”

“Hahahaha bakit kaya hindi mo makita or ma-realize na poser account,” ang sagot ni Luis sa basher.

“It’s weird how many people react to the poser/basher @vilmaSRecto posts as if siya talaga, all they have to do is check the account to see... ano nangyayari sa mga tao ngayon? why is everyone so gullible? report the account please!” tweet pa ng panganay ni Ate Vi.

Well, may point naman si Luis dahil kung titingnan mo ang account ng nagpapanggap na Vilma Santos, hindi mo talaga iisiping galing kay Ate Vi ang mga tweets nito. May mga kabastusan pa siyang posts na imposible naman talagang si Ate Vi ‘yun.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.